Sobra akong nagulat nung malaman ko. Nagsinungaling siya. Ginago nya ako. Kahapon lang nung nagchat kami. Tinanong ko siya. Tinanggi nya. Hindi daw. At naniwala naman ako. Nanghingi pa nga ako ng payo. Nanghinayang din siya para sa akin. Sana daw kinuha ko na agad. Maswerte daw kung sinuman ang nakauna.
Tapos....wala pang 24 oras, malalaman ko sa iba na yung bagay na gusto ko ay nasa kanya lang pala. Di ba isang maliwanag na panggagago yun. Para akong binuhusan ng tubig na hindi ko mawari kung kumukulo o mala-yelo ang lamig. Ang mas nakakainis, napakasimpleng isyu lang naman ito - ni hindi nga makaka-isang porsyento man lang sa lebel ng mga usaping dyamante o ginto. At para magsingulang siya sa isang kaibigan dahil sa ganitong napakaliit na bagay, walang kaduda-dudang nanggagago siya.
Sorry daw. Gusto lang nya ng pribadong buhay kaya hindi sya umamin agad. Anak ng.....ginawa nya talagang big deal! Para na rin niyang sinabing hindi ako mapagkakatiwalaan. Pinagmukha akong tanga para lang masiguro ang personal na proteksiyon. Proteksiyon saan? Sa tsismis daw. Wow, napakalayo naman ng narating ng imahinasyon nya! Hindi ko talaga maintindihan. At sa palagay ko, hindi na darating ang araw na maiintindihan ko pa.
Pero naisip ko, bakit ba ako nanggagalaiti? Patas lang kami. Ginago ko din naman siya - at sa mas malaki at mabigat na dahilan. Minahal ko ang taong minahal nya. O mas akma yatang sabihin na....minamahal ko ang taong minamahal pa din niya. Nakakatawa di ba? Pagdating sa pag-ibig, walang imposible. Lahat pwedeng gawin ng taong nagmamahal. Marahil sa pagitan naming dalawa, ako ang mas nangtraydor. Ako ang mas nanggago. At hanggang ngayon, wala siyang kamalay-malay. Sana manitili na lang itong sikreto habang buhay. Pasensyahan na lang. Isang simpleng tao lang ako na nagmamahal. Gayunpaman, ayos na din. Pareho lang naman kaming talo eh. Pareho kaming hindi gusto. Masuwerte siya. Nabigyan siya ng pagkakataon dati. Pero nagpabaya sya. At ang pagkakataon nyang iyon ay mabilis na umikli hanggang sa tuluyang nawala. Buti nga! Hahaha...
Hay......ang buhay nga naman. Kadalasan, gulangan na lang. Salamat sa puso kong hindi naturuan kung kanino dapat tumibok, pero natutong tumarantado. Para sa mga susunod na hamon, alam ko na kung paano makipagsabayan, dito sa mundong puno ng gaguhan lang.

No comments:
Post a Comment